top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hiwalayan, palabas lang daw… Fans, pinaglaruan nina James, Nadine, Yassi at Issa?

  • Beth Gelena
  • Jan 26, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Pagkatapos depensahan ni Yassi Pressman ang kapatid na si Issa Pressman, mismong ang huli na ang nagsalita. Idinenay nito ang maling akusasyon sa kanya na diumano’y third party sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Pero ayaw pa ring tumigil ng ilang netizens at sinabihan si Issa na, “Okay, your one minute fame is over. Let’s move on!”

Hindi nagpatalbog ang mga supporters ni Issa at anila, “Bitter fantart. Kayo naman ang nag-drag ng name niya, ‘di ba? Kayo ang mag-move on. Mismo kasing “president” n’yo ang bumasag sa inyo.”

Kaya raw lumaki ang isyu ng breakup ng JaDine ay dahil na rin sa kanilang mga fans.

“Hindi bashers ang nagpalaki kundi sila-sila ring JaDine fans. Kung tumahimik na lang sila, malamang napag-usapan pa nina Nadine at James ang kung anumang naging dahilan. Baka sakaling napigilan ang paghihiwalay. Eh, wala, sila pa ang nag-iingay, eh,” sambit ng isang netizen.

Pero, bakit nga ba pinalampas muna ni Issa ang ilang araw bago siya nagsalita? At nauna pa si Yassi na protektahan ang kapatid.

Mukhang pinaikut-ikot lang daw ng apat na celebrities ang JaDine fans dahil pare-pareho nilang sinabi na magkakaibigan sila.

In fairness naman daw, i-credit kay Issa ang isyu dahil naging instant star siya for awhile, huh!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page