Good effect ng SocMed sa pag-unlad ng negosyo
- Jersy Sanchez
- Jan 26, 2020
- 2 min read

Dahil parami nang parami ang gamit ng internet, partikular ang social media, hindi natin maitatanggi na may kaya na rin itong gawin sa negosyo. Yes, beshy! Akalain mo, pati pagma-market ay nasa internet na rin at ‘yan ay dahil sa social media.
Well, kung sasabihin n’yo na para lang ito sa big-time businesses, nagkakamali ka dahil anuman ang estado ng negosyo mo, tiyak na may pakinabang ito.
Kaya para sa mga beshies natin d’yan na nagdadalawang-isip kung sasabak sa ganitong paraan ng pagma-market, narito ang kahalagahan ng social media marketing:
1. NAKOKONTROL ANG ONLINE IMAGE. Sa panahon ngayon, napakahalaga ng online image, lalo na sa mga business dahil ito ang isa sa mga tinitingnan ng potential customer bago sila makipagtransaksiyon sa inyo. Kung sasabihin mong pangmalalaking negosyo lang ito, nagkakamali ka, besh, dahil uso na rin ito sa small businesses. Puwede kang gumawa ng Facebook page at ipangalan sa iyong negosyo, mag-post ng mga produkto at reviews ng mga customer. ‘Wag mo ring kalimutan ang logo at mag-post ng mga update para mas madaling masabi ng mga customer na legit ang iyong negosyo.
2. BRAND AWARENESS. Sa halip na magbayad ng marketing ads, puwede pa ring makilala ang iyong brand o negosyo gamit ang social media. Makatutulong ito upang makita ang kredibilidad. Kung may FB page ka na, make sure na active ito nang sa gayun ay madali mong masagot ang inquiries, gayundin, siguraduhing kumpleto ang mga impormasyon at detalyeng naka-post para hindi hassle sa mga customer at sa iyo.
3. MURA. Para sa mga negosyante, hindi madaling maglabas ng pera para sa marketing plan, lalo na kung maliit na negosyo ito kaya naman dapat nating malaman na ang social media o digital marketing ay mas oks kesa sa tradisyunal na paraan ng pagma-market ng business. Puwede mo itong gawing mag-isa, pero kung may budget ka naman, puwede ka ring kumuha ng social media marketing agency.
4. PAMPATAAS NG KITA. Anuman ang ibinebenta mo, kering-keri kang tulungan ng socmed. Yes, beshy, dahil habang dumarami ang gumagamit nito, nag-e-evolve rin ang social sales tool kaya nagiging mahalaga ang social networks para sa product search.
5. NAMO-MONITOR ANG MGA KAKUMPITENSIYA. Dahil marami nang negosyo ang gumagamit ng socmed para sa digital marketing, siguradong mas madali mong mamo-monitor ang iyong competitors.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng reviews sa kanilang account, malalaman mo kung saan ka dapat mag-focus, gayundin, madali mong malalaman kung ano ang gusto ng iyong target market.
Mga besh, alam n’yo na, ha? Maging malikhain lang tayo sa paggawa ng mga paraan o gimik para makilala sa social media at siguradong unti-unting makikilala ang inyong negosyo.
Gayundin, dahil mas maraming potential customers sa socmed, make sure na mapananatili n’yo ang magandang imahe at kredibilidad ng inyong negosyo.
Gets mo?





Comments