top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil sa coronavirus.. Mga Pinoy na pa-China, hinaharang

Madel Moratillo
Jan 26, 2020
1 min read

Pinapayuhan ang mga Pinoy na huwag na munang pumunta sa China kaugnay ng kumakalat na coronavirus.

Kaugnay nito, itinuturing na ng Department of Health na isang public health emergency ang 2019 novel coronavirus (2019 nCoV).

Ito ang iginiit ni DOH Usec. Eric Domingo sa kabila ng pahayag ng World Health Organization (WHO) na hindi pa nila itinuturing na public health emergency of international concern (PHEIC) ang 2019 nCoV.

Sa kabila ito ng mabilis na pagkalat ng virus mula sa Wuhan, China sa iba’t ibang bansa. Sa ngayon, ayon kay Domingo ay wala pang naitatalang 2019 nCov case sa bansa.

Kaya ang DOH aniya ay ginagawa ang lahat para matiyak na mananatiling ligtas ang Pilipinas dito.

Una na ring kinumpirma ng DOH na negatibo sa 2019 nCov ang 5-taong gulang na bata mula Wuhan at kasalukuyang nasa Cebu.

Paliwanag pa ni Domingo, hindi dapat isipin ng publiko na kapag nakararanas ng trangkaso ay 2019 nCoV na ito.

Ang mga buwan ng Enero at Pebrero ay flu season kaya hindi maiiwasang makaranas nito. Kung wala naman aniyang travel history sa Wuhan China ay walang dapat ipangamba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page