Commish Cup: Princess Eowyn vs. Pangalusian

BALIKATAN ang laban ng limang mananakbo sa pagtikada ng 2020 Philracom Commissioner Cup sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong hapon.
Sa limang kalahok na pangungunahan ng Eugene Onegin, Pinagtipunan, Son Also Rises, Pangalusian Island at Princess Eowyn.
Tatanggap ng P900,000 ang tatanghaling kampeon, habang mag-uuwi ng P337,500 ang 2nd place, samantala tatanggap ng P187,500 ang 3rd place at P75,000 ang tatanghaling 4th place na tatawid sa distansiyang 1,800 meters.
Mahigpit na maglalaban ang Princess Eowyn at Pangalusian Island habang paglalabanan ang 3rd place nang mga kalahok na Son Also Rises, Pinagtipunan at Eugene Onegin.
Kasabay nito aalagwa rin ang 2020 Philracom Commissioner’s trophy race at Philracom Rating Based Handicap System Race. Magaganap ang Bienvenido C. Niles Jr. Trophy Race sa Race 1 at pinapaboran ang Share Share na makakalaban ang Indian Warrior, Yes Kitty.
Sa Race 2 magaganap ang Jose P. Santillan Jr. Trophy race at nakalalamang ang Damong Ligaw habang makakalaban ang Classic Star.
Magaganap ang Ramon S. Bagatsing Jr. Trophy race sa Race 4, pinapaboran ang Miss Rosario at Kid Kenshin, isama ang Oh Lala, Star of Nasi, Nabighani at Rafa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 5, nakalalamang ang Fire Bull habang makakalaban ang Gee’s Song at Hold Me Tight Baby.
Habang sa Race 6 ipinapatok ang Shoo-In at couple entry na certain to Win. Sa Race 7, ipinapatok ang Yes All Wee Bet at nakalalamang ang Parokya ni Paolo habang makakalaban ang May Silo sa Race 8.





Comments