top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Casimero vs. Inoue, kasado na sa Nevada

  • Gerard Arce
  • Jan 26, 2020
  • 2 min read

Itatakda na ang pagsasagupa nina unbeaten International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Naoya Inoue ng Japan at Filipino World Boxing Organization (WBO) 118-pound champ Johnriel Casimero sa isang unification title fight sa Abril 25 sa Mandalay bay Events Center sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa nasagap na impormasyon ng boxingscene.com, ang tapatang ito ang magiging kauna-unahang laban ng Japanese slugger na si Inoue (19-0-16KOs) sa ilalim ng Top Rank promotions Inc. ni Bob Arum matapos itong pumirma ng multi-fight agreement na posibleng mapanood umano ng live sa ESPN, habang masusubukan din ang tibay at tatag ni “Quadro Alas” kasunod ng pagkapanalo nito ng kanyang titulo noong Nobyembre 30 sa Birmingham, England.

Inaabangan ang pagsasagupa ng dalawang knockout artist kasunod ng mga matagumpay na laban ng mga ito kina Nonito “The Filipino Flash” Donaire at Zolani Tete.

Napagtagumpayan ng 26-anyos na si Inoue ang World Boxing Series bantamweight tournament noong Nob. 7 sa Saitama, Japan laban kay Donaire sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision na hinangaan ng mga manonood at nahirang na “Fight of the Year” ng Boxing Writers of America para sa taong 2019.

Dalawang beses na pinabagsak ng 29-anyos na tubong Ormoc City na si Casimero si Tete sa ikatlong round hanggang tuluyang ipatigil ni referee Steve Gray ang laban upang makuha nito ang 118-lbs title. Nauna na ng ipinahayag ni Casimero na nais nitong makatapat si Inoue upang madetermina na umano ang tunay na mahusay sa pagitan ng dalawa.

“Gustong kong makalaban si Inoue para magkaalaman na kung sino ang mas magaling sa aming dalawa,” pahayag ng three-division champion nang maging panauhin ito sa lingguhang PSA Forum noong isang taon.

“Gusto kong makuha lahat ng limang titles (unification) iyong lahat-lahat na. kahit kanino kina Inoue at iyong WBC champ),” dagdag nito na pinatutungkulan rin si WBC titlist Nordine Oubaali (17-0, 12KOs) ng France.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page