Nailigtas sa Taal.. P5,000 kada kabayo — DA

Naglaan ng tig-P5,000 ang Department of Agriculture Region IV-A para sa bawat kabayo na nailigtas mula sa Taal Volcano Island.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Livestock Emergency Operations Center sa Lipa City, Batangas ang 55 kabayo na nailigtas sa isla ng bulkan.
“Para ma-conserve at ma-preserve natin yung genetics ay magbibigay tayo ng financial assistance at zero interest at babayaran nila sa loob ng walong taon,” pahayag ni DA Region IV-A Director Arnel de Mesa.
“Sa kabayo ay ang ibibigay natin ay P5,000. Kami ang mag-aalaga, kami ang maggagamot at ‘pag ready na ulit bumalik sa sakahan ay puwede nila kunin ulit ang animals,” dagdag pa nito.





Comments