Iwas-coronavirus.. Disneyland sa Shanghai, isasara
- V. Reyes
- Jan 25, 2020
- 1 min read

Magpapatupad ng temporary closure sa Shanghai Disneyland kasunod ng coronavirus scare sa China.
Ayon sa pahayag ng Shanghai Disney Resort, kabilang sa isasara ang Walt Disney Grand Theatre at ang Wishing Star Park.
Layon umano nitong maprotektahan ang kanilang mga guests at ang mga casts sa Shanghai Disneyland.
Ang pagsasara ay sisimulan ngayong araw at magpapatuloy habang binabantayan ang sitwasyon.
Kaugnay nito, isasauli umano nila ang ibinayad ng mga guests na nakabili na ng tickets.
Matatandaang, ang isang palengke sa Wuhan City ang sinasabing ground zero o pinagmulan ng novel coronavirus.





Comments