Horoscope | Enero 25, 2020 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 25, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2020 (Sabado): Kumikilos ang iyong kapalaran para sa lalo pang ikagaganda ang iyong kalagayan. Ang mga suwerte ay mag-uunahang dumapo sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka makaiiwas sa may magagandang katangian, panlabas o panloob man ito na kaanyuan. Huwag mong akalain na ang mga ito ay tukso dahil sila ay mapagkukunan mo ng inspirasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-23-39-40-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka makikinabang, doon ka. Sa ganitong paraan, matatapos ang iyong pagsasakripisyo at sa totoo lang, maling pagpapahirap sa sarili ang mga ginagawa mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-18-23-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ilabas mo ang itinatago mong magagandang katangian. Hindi maganda kung para kang sasakyan na may reserbang gulong. Itodo mo ang kaya mo at malayo ang mararating mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-11-17-24-28.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang malakas mong karisma na puwedeng tawaging gayuma. Mag-ingat ka dahil kahit ang mga wala nang karapatan ay maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-18-25-29-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbigay ka ng saya. Ito ang susi upang maging mabilis ang pagpapaunlad ng buhay mo. Kapag nagbigay ka ng papilit lang, papangit ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-21-25-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pasayahin mo ang sarili mo. Bakit mo yayakapin ang kalungkutan, gayundin ang negatibo at makalumang pananaw? Sa pagpapasaya mo sa sarili mo, ang magandang buhay ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-26-27-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-uunahan ang mga suwerte na dumapo sa iyo. Alisin mo ang pag-aalinlangan mo dahil ang nag-aalinlangan ay makikitang nilalayuan ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-22-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka matatakot na muling makipagsapalaran? Ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran, kaya dapat lang na makipagsapalaran ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo ang iyong kaalaman. Hindi lang sa materyal na bagay ang mapalad kundi ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-25-27-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan may saya, roon ka dahil kapag masaya ang tao, gaganda ang takbo ng kanyang buhay. Kung saan may lungkot, lumayo ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-26-31-33-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang nakaaakit ang iyong mga kilos. Kumilos ka na masaya ka at kahit kumilos ka na malungkot ay walang pagkakaiba, maaakit mo ang para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-25-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka kapag nasa labas ka ng bahay. Hihina ang katawan mo kapag masyadong matagal ka sa loob ng bahay kaya naman bumaba ka at mamasyal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-20-25-28-30.
Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments