Graphic artist, arestado sa droga

Isang graphic artist na No. 1 Top Most Wanted Drug Personality ng Northern Police District (NPD) ang nakuhanan ng nasa P700,000 halaga ng shabu nang madamba sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Mark Justin Buenafe alyas Baba, 26, binata, ng Bgy. 36.
Alas-5:05 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Station Special Operation Unit (SSOU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ang buy-bust operation kontra sa suspek.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P11,000 marked money.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang sa 100 gramo ng shabu na tinatayang nasa P700,000 halaga at buy-bust money.





Comments