top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

900 tinamaan.. 26 patay sa coronavirus

V. Reyes
Jan 25, 2020
1 min read

Aabot na sa 26 ang iniulat na namatay dahil sa coronavirus habang hindi bababa sa 900 ang naapektuhan nito.

Samantala, kabuuang 464 na mga turista mula sa Wuhan City ang paunti-unting pinabalik ng China sa gitna ng pangamba sa novel coronavirus.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), desisyon ng mga airline company na pauwiin sa Wuhan City ang mga Chinese na turista.

Mula noong Enero 23, may 172 pasahero ang pinabalik ng Wuhan City. Nasa 142 pasahero naman ang pinabalik kahapon.

Sa Enero 27, mayroon pang 150 indibidwal ang pababalikin sa China. Kasama na sa nasabing bilang ang 135 pasahero na nakaalis ng Wuhan City bago ang ipinatupad na lockdown doon.

Matatandaang, ang isang palengke sa Wuhan City ang sinasabing ground zero o pinagmulan ng novel coronavirus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page