top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 babaeng Thai, tiklo sa P23 milyong shabu

  • Gina Pleñago
  • Jan 25, 2020
  • 1 min read

Tinatayang aabot sa mahigit P23 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang babaeng Thai nationals, sa dalawang buy-bust operations sa Pasay at Makati.

Base sa ulat ni Pasay City Police Chief P/Col. Bernard Yang, isinagawa ang operasyon alas-12:15 ng tanghali sa loob ng fastfood chain, hindi na nakapalag ang suspek na si Narumon Sukkato alyas Boonsri, 30, ng Nongkae Muang Uthathani nang arestuhin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasay City Police.

Isa sa mga tauhan ng PDEA ang nagpanggap na buyer at nang aktong iaabot na nito ang nasabing halaga ng droga rito na ito hinuli ng mga awtoridad.

Nakuha mula sa babaeng dayuhan ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 na nakabalot sa plastic.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng PDEA nahuli rin ang isa pang dayuhan na nakilalang si Kanokrat Jampangoenm, 36, dalaga, ng

Tumbong Sanalehee Miang Suphanburi.

Nahuli si Kanokrat ala-1:00 ng hapon sa Enrique St., Palanan, Makati City nang magbenta ito ng shabu na halagang P1,000 sa isa ring nagpanggap na buyer.

Nasamsam dito ang 3,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000.

Sa ngayon, isinasailalim sa imbestigasyon ang dalawang dayuhan.

Dinala sa tanggapan ng PDEA ang dalawa at sasampahan ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page