top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wish na makatagpo ng lalaking itatrato siya nang tama, James… Nadine, nag-post tungkol sa panloloko?

  • Beth Gelena
  • Jan 24, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Pinakiusapan ni Nadine Lustre ang mga netizens na tigilan na ang pagbibigay ng espekulasyon sa post niyang photo ng white horse na sinasabi nilang related sa kanta ni Taylor Swift tungkol sa babaeng naloko at nagwi-wish na someday ay makatagpo ng lalaking itatrato siya nang tama.

Sabi ni Nadine sa mga netizens, tumigil na para hindi na humaba pa ang isyu.

Pero may mga nagsasabing pa-victim ang aktres. Mas maraming babae pa raw na matitindi ang pinagdaanan kesa sa kanya tungkol sa pag-ibig pero hindi naman ganyan mag-emote.

Pagtatanggol naman ng isang netizen, hindi pa naiinterbyu ang aktres hinggil sa breakup nila ni James at puro bashers lang ang nagkokomento kaya tantanan na si Nadine.

****

May mga kumalat na balitang dahil daw sa kapatid ni Yassi Pressman na si Issa kaya nagkahiwalay ang JaDine.

Pinabulaanan ni James Reid ang balita tungkol kay Issa. Sey ni James: “Sorry, you girls got dragged into this. There are some messed up people out there.”

Sapantaha ng mga netizens ay kasama ang JaDine fans sa sinabi ni James na “some messed up people.” Kaya komento ng mga netizens, “Kaya nga nakipag-break si Nadine not because of third party but because he doesn’t treat her well. Mas priority ni James ‘yung career and squad n’ya.”

“James is referring to everyone gossiping about him and Issa and that includes JaDine fans. Kasama kayo sa tinawag niyang ‘messed up’. I got this feeling na parang wala siyang pake sa mga fans niya.”

Komento naman ng isang netizen, kaya kumalat ang isyu tungkol kina James at Issa ay dahil ang mga fans din nila ang naglabas ng mga ‘proof’ tungkol sa kanila.

Hindi raw kasi matanggap ng JaDine fans na ‘indifference’ lang ang dahilan ng breakup ng kanilang mga idolo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page