Pumalag sa holdap, babae pinagbabaril

Isang ginang ang ginagamot matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Bgy. Pob. Teresa, Rizal.
Nag-aabang ng masasakyang jeep ang biktimang si Delia Policarpio, negosyante, nang may biglang humarang sa kanyang harapan. Isa sa kanila ang agad bumunot ng baril sabay nagdeklara ng holdap.
Nanlaban umano ang biktima hanggang sa pagbabarilin ng mga salarin bago nagsitakas tangay ang bag ng ginang na naglalaman ng P700,000, mamahaling cellphones at tatlong relos.
Agad namang kumilos ang mga awtoridad kaya nasakote ang suspek na si Elmer Ministerio habang nakatakas naman si Aldrin Genaloso.
Narekober sa suspek ang bag na naglalaman ng nasabing halaga at gamit at ang baril.





Comments