top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ipinababalik sa mga konsyumer.. P50 bilyon sobrang singil ng Meralco

BRT
Jan 24, 2020
1 min read

Inakusahan ng isang dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco ng sobrang paniningil ng kuryente na aabot umano nang hanggang P50 bilyon sa loob ng mahigit isang dekada.

Ayon kay dating ERC Commissioner Alfredo Non, teknikal ang isyu na nakasentro sa halaga ng ari-arian at pasilidad na binili ng Meralco, na binabawi umano sa milyun-milyong kostumer sa pamamagitan ng buwanang singil sa kuryente.

Ani Non, nasa P40 bilyon hanggang P50 bilyon ang na-overcharge umano ng Meralco mula noong 2003 hanggang 2019.

Konektado rin umano ang paggamit ng Meralco ng bill deposit ng kada kostumer sa isyu ng overbilling dahil ginagamit din umano ito ng kumpanya kahit may capital allowance naman sila na aprubado ng ERC. Dapat umanong ibalik sa lahat ng kostumer ang deposito nila.

Samantala, pinabulaanan naman ng Meralco ang mga paratang at sinabing handa nilang depensahan ang sarili sa oras na ipatawag ng ERC.

Paliwanag pa ng kumpanya, lahat ng galaw ng Meralco ay aprubado ng gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page