top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ginang, patay sa cobra

Paul Lamsen
Jan 24, 2020
1 min read

Isang ginang ang nasawi na pinaniniwalaang inatake ng cobra sa Danglas, Abra.

Ayon sa mga awtoridad, nasa sakahan si Drucila Layugan upang tingnan ang mga alagang kambing nang atakehin ng cobra.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo si Layugan ng limang marka ng tuklaw sa braso at balikat.

Natagpuan din ang patay na cobra hindi kalayuan kung saan nakahandusay na wala nang buhay si Layugan.

Pinaniniwalaang napatay ng biktima ang cobra bago pa siya mamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page