Dagdag-buwis sa alak at vape, batas na
- Mylene Alfonso
- Jan 24, 2020
- 1 min read

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na nagdaragdag ng excise tax sa mga alak at e-cigarette o vape.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kagabi.
Sa ilalim ng batas, simula ngayong 2020, ang sin tax sa iba’t ibang klase ng alcohol ay tataas sa P35 hanggang P50, habang nasa P25 hanggang P45 naman ang mga e-cigarette at tataas pa hanggang sa ikaapat na taong implementasyon nito.
Inaasahan na sa pamamagitan ng batas na ito, makakapag-generate ng higit P20 bilyon ang gobyerno na gagamitin bilang pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care program.
Matatandaang, December 2019, nang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1074, na una na ring sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent bill.





Comments