Asar sa mga kaibigang pinipilit siyang maghanda sa B-day kahit walang plano

Dear Roma, Ako si Enil. Sumangguni ako sa inyo dahil sa nalalapit kong kaarawan ay pilit akong pinaghahanda ng mga kaibigan ko para raw maging masaya ako, pero sa tingin ko ay hindi ako ‘yung magiging masaya kundi sila. Panay ang asikaso ko sa kanila bilang bisita at magrereklamo pa sakaling nabitin sila sa kasiyahang gusto nila. Ano ang gagawin ko? – Enil
Enil, Huwag mo na lang intindihin kung ano ang sinasabi sa iyo ng mga kaibigan mo, bagkus, kung ayaw mo namang maghanda sa birthday mo ay maraming paraan para sumaya ka. Tandaan, hindi porke walang handa ay hindi na magiging masaya ang kaarawan mo. Maaari mo ring kausapin nang maayos ang iyong kaibigan upang maunawaan ka nila kung bakit ayaw mo talagang maghanda. Good luck!





Comments