top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4th Henry Cup, may 11entries sa Peb. 2

Ding Taboy
Jan 24, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Kundi magbabago ang line-up labing-isang kalahok ang maglalaban sa 4th Henry Cojuangco Cup sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite sa Pebrero 2.

Yes! Maglalaban ang mga kalahok na pangungunahan ng Ack, Bugle Notes, Dragon Butterfly, Full Steam, Gomper Girl, Lovely Flash, Lucky Visit, Murika, Sky Hook, Und Kantar at Viva Morena.

Tatawirin ng mga kalahok ang 1,750 meter at naghihintay ang unang premyong P900,000 sa kampeon, habang tatanggap ng P400,000 ang masesegundo, may P200,000 ang 3rd place habang P100,000 ang mapupunta sa 4th place.

Tatanggap ng gold trophy ang mananalong kabayo, mula kay Amb. Eduardo M. Cojuangco, Jr. at plaques para sa hinete at trainer. Samantala, idaraos din sa araw na iyon ang SC Stockfarm Graduates & Sires Produce Stakes Race.

Naghihintay ang P300,000 sa tatanghaling kampeon, habang tatanggap ng P112,500 ang tatanghaling 2nd place, P62,500 sa 3rd place habang P25,000 sa 4th place.

Tatanggap din ng bonus na P300,000 ang mananalong kabayo mula sa SC Stockfarm, Inc.

Sa Race 1, matutunghayan ang Pick 6 at nakalalamang ang Gonzee’s Bet habang makakalaban ang Alezzandro, habang magaganap ang Pick 5 sa Race 2, nakalalamang ang Hidden Moment makakalaban ang Sky Dancer, Miss Thrifty at Kailuphia.

Sa Race 3 magaganap ang Pick 4 kanalalamang ang Hot Legs habang makakalaban ang Golden Hook. Habang sa race 4 nakalalamang ang Isla de Zap makakalaban ang Daldalero at Savior.

Sa Race 5 maglalaban ang Ace Up at King Gil at mahigpit na magkakalaban ang Probinsyano at couple entry na Driven at Headmastership at Oktubre Katorse sa Race 6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page