top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Presyo ng itlog, tumaas

BRT
Jan 23, 2020
1 min read

Tumaas ang presyo ng itlog sa Mega-Q Mart sa Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat, dalawang linggo nang kulang ang suplay ng itlog na nakukuha mula sa Pampanga.

Kaugnay nito, mataas ang bentahan sa itlog na naglalaro sa P6.60 hanggang P7.50 kada piraso mula sa dating P5.40 hanggang P7.30.

Samantala, sa Balintawak Market, bagsak-presyo naman ang bentahan sa itlog, pero mula Batangas umano ang suplay.

Bumaba rin ang presyo ng ilang itlog mula Tarlac.

Samantala, pare-pareho namang nagtaas ang presyo ng itlog na maalat. Ang dating P10 hanggang P12 kada piraso ay ibinebenta ngayon sa P13.

Ayon sa mga nagtitinda, kulang ang produksiyon ng itik sa ilang mga manukan sa Central Luzon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page