top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Mga suki, menor-de-edad din.. Hayskul na tulak, huli

  • Levi Gonzales
  • Jan 23, 2020
  • 1 min read

Aabot sa mahigit 168 gramo ng pinatuyong marijuana ang nasamsam sa dalawang menor-de-edad kabilang ang isang senior high school student at dalawa pang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Imus City, Cavite kahapon.

Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor-de-edad na sina ‘Jolo’, 17, out-of-school youth at ‘Jasper’, 16, senior high school student habang nakakulong naman sa Imus City Custodial Center ang kasama nitong sina Joel Bautista, Jr., 18, at Lester Mendoza, 21.

Sa ulat ni PSSgt. Mark Joseph Jader, alas-12:30 kahapon ng hatinggabi nang unang isinagawa ang buy-bust operation ng mga elemento ng Drug Enforcement Unit ng Imus-CPS sa Bgy. Palico 1, ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Jolo’ kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang tinatayang 64.1 gramo ng pinatuyong marijuana na may halagang P3,400.

Ala-1:20 naman ng madaling-araw nang muling magsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. Malagasang 2-G, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kina ‘Jasper’, Bautista at Mendoza kung saan narekober sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 104.3 gramo ng pinatuyong marijuana na may street value na P4,400.

Ayon sa pulisya, garapalan ang pagbebenta ng mga ito ng marijuana at karamihan pa sa mga scorer ay tulad nilang mga kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page