top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pulis sa danger zone ng Taal, pinalilikas na

V. Reyes
Jan 23, 2020
1 min read

Pinaaatras na ang mga pulis na nakatalaga at nagbabantay sa loob ng 14-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Taal sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto nito.

Ayon kay Philippine National Police Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, nagbigay sila ng 48 oras sa mga tauhan ng PNP Region 4-A upang lisanin na ang danger zone.

Ang direktiba ng PNP ay alinsunod sa abiso ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Tinatayang nasa 500 pulis ang nakaposisyon sa nasabing lugar.

Kasabay nito ang muling apela ng opisyal sa mga naiwang residente na umalis na sa lugar para sa kanilang kaligtasan at huwag nang ipagsapalaran ang buhay para lang makuha ang mga ari-arian o alagang hayop.

Samantala, magpapatuloy naman ang pag-alalay ng PNP sa mga evacuation centers sa CALABARZON.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page