top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Department of disaster and resilience, wa’ ring silbi kung wala namang sapat na pondo

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 23, 2020
  • 2 min read

HANGGA’T MAY “PORK BARREL”, WALA PA RING SILBI ANG PAGTATATAG SA DEPARTMENT OF DISASTER AND RESILIENCE—Dahil sa sunud-sunod na kalamidad na tumatama sa bansa, isusulong ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri, Majority Floor Leader of the Senate ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Hangga’t may “pork barrel” ang mga cong., walang silbi ang itatatag na DDR dahil malamang, maliit na budget lang ang ilalagay ng Kongreso tulad ng ginawang pagtapyas sa calamity fund kaya ang budget ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong 2020 ay P588 milyon lang pero may tig-P500 milyong “pork barrel”, este, pang-project ang kada cong., buwisit!

◘◘◘

GEN. DANAO NAGPASIKLAB VS. VICE-MAYOR, PERO SA MGA JUETENG LORDS, TIKLOP—Nagpasiklab si PNP-Region 4-A Director Brig. Gen. Vicente Danao, Jr., nang pagbantaan niyang iaalay daw niya sa Taal Volcano si Vice-Mayor Charlie Natanauan ng Talisay, Batangas dahil sa panawagan nito sa kanyang mga kababayan na magsibalik na sa kanilang tahanan kahit ipinagbabawal pa ng Phivolcs.

Ang tapang ni Gen. Danao sa vice-mayor, pero tiklop naman sa mga jueteng lords na nanraraket sa kanyang jurisdiction tulad nina “Reyes” at “Venir” sa Batangas; “Ariza” sa Cavite; “Kit” sa Rizal at “Haruta”, “Toce” at “Alvarez” sa Laguna, pwe!

◘◘◘

‘PAGKATAY’ KUNO NI GEN. DANAO SA MGA SCALAWAG AT KRIMINAL, BOLADAS LANG—Nang maitalaga si Gen. Danao bilang PNP-Region 4-A director, nagbanta itong “kakatayin” niya ang mga scalawag na parak at kriminal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

‘Yun nga lang, ang pagbabanta ni Gen. Danao ay pasiklab lang sa publiko dahil wala naman siyang ginawang aksiyon at “nganga” lang siya sa raket na “tongpats collection” nina “Batman Morante” at “Robin Villareal” at sa operasyon ng mga illegal gambling organized crime syndicate sa kanyang jurisdiction, boom!

◘◘◘

CUSTOMS TAX COLLECTION NGAYONG 2020, BAKA KAPOS NA NAMAN?—Sa liderato ni Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ay kinapos ng P30.429 bilyon ang tax collection ng Bureau of Customs nitong 2019, kaya nang mabalitang sisibakin na ito ni P-Duterte at papalitan ni William Lima ay natuwa ang publiko. ‘Yun nga lang, hindi natuloy ang sibakan.

Dahil hindi nasibak si Comm. Guerrero, malamang, kapos na naman ang tax collection ng Customs ngayong 2020, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page