Angkas driver at pasahero, patay sa trak
- BRT
- Jan 23, 2020
- 1 min read

Isang Angkas driver at pasahero nito ang namatay makaraan silang mabangga ng prime mover truck sa Cebu.
Ayon sa imbestigasyon, bumabaybay sa kahabaan ng M.C. Briones Street ang driver na si Gerry Boy Chavez at ang pasahero nito na si Jessa Biola papunta sa isang mall sa AS Fortuna nang maganap ang insidente.
Sa pahayag ng driver ng trak na si Edgar Oncenes, hindi umano niya namalayan ang pagtawid ng motorsiklo sa kabilang lane dahil na rin sa rami ng malalaking sasakyan na dumaraan noong mga oras na iyon. Ayon sa Mandaue City Police Office Traffic Group, nadala sa ospital ang dalawang biktima subalit, binawian din ng buhay ang mga ito.





Comments