8-anyos sumabit sa van, nahulog, patay
- BRT
- Jan 23, 2020
- 1 min read

Patay ang 8-anyos na batang lalaki makaraang mahulog mula sa sinabitang sasakyan sa Biñan, Laguna.
Sa kuha ng CCTV sa Bgy. Canlalay noong hapon ng Linggo, makikita si Christian Gubatana, 8, na nakasabit sa likod ng puting closed van.
Kita rin sa CCTV ang kalaro ni Gubatana na nakasakay sa bisikleta at hinahabol ang van.
Nakunan ang pagtalon ng bata pababa ng van subalit, tila nawalan ito ng balanse kaya nabagok.
Agad tumawag ng tulong ang napadaang motorista at itinakbo si Gubatana sa ospital pero, binawian din ito ng buhay dahil sa internal bleeding.





Comments