Sotto, bomalabs sa Mighty sports sa Dubai C’ships

Hindi na makalalaro si Kai Sotto para sa Mighty Sports Philippines para sa darating na Dubai International Basketball Championship. Ito ay inanunsiyo ng koponan kahapon ilang araw bago magsimula ang torneo.
Ayon sa koponan, “unresolved logistical and scheduling issues on his part” ang naging kadahilanan ng hindi pagtuloy ni Sotto na maglaro sa Dubai kung saan maraming Pilipino ang inaabangan ang kanyang paglalaro para sa koponan.
Kumpiyansa pa rin ang koponan na mataas pa rin ang pag-asa nilang makuha ang korona kahit wala si Sotto. Nasa koponan pa rin ang dating Gilas naturalized player na si Andray Blatche at si Renaldo Balkman kasama na sila Thirdy Ravena, Juan Gomez de Liano, Dave Ildefonso at Beau Belga. Kamakailan ay naisama na rin sa Mighty Sports si Isaac Go na kasama sa pool ng Gilas sa darating na FIBA Asia Cup. “Despite the absence of Kai, our team is still complete with a formidable line-up of young, athletic, very talented and inspired amateur players like Thirdy Ravena, Dave Ildefonso and Juan Gomez de Liano who are ably reinforced and strengthened by the likes of towering, confidence, experienced and spirited players like Andray Blatche, Renaldo Balkman, and McKenzie Moore,” wika ni Mighty Sports coach Charles Tiu. Nasa Group B ang koponan kung saan makakaharap nila ang Beirut Club Lebanon, United Arab Emirates national team, Al Itihad ng Syria at Rades ng Tunisia.





Comments