top of page
Pokwang.jpg

Serbisyo sa tao, dapat instant.. Pasaway na Gov’t. employee, sibak

Mylene Alfonso
Jan 22, 2020
1 min read

Bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang Anti-Red Tape Act o ARTA Law, nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno na hindi na pipirmahan ang dokumentong inabot na nang pagkatagal-tagal.

Sa kanyang pagharap sa lingguhang pulong kasama ang mga hepe ng iba’t ibang city departments, bureaus at offices, sinabi ng alkalde na kailangan silang umaksiyon o maglabas ng resulta sa loob ng tatlong araw kaugnay sa mga nakabimbing mga papeles sa kanilang tanggapan.

Tiniyak pa na tatanggalin sa trabaho ang sinumang hindi susunod sa ARTA Law. Matatandaang, naglagay ng one-stop shop sa Lungsod ng Maynila upang mapadali ang transaksiyon para sa business permit applications at matapos sa loob ng isang araw sa pamamagitan ng Executive Order No. 8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page