top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kalamidad, hindi na maiiwasan, paghahanda ang kailangan

Nancy Binay
Jan 22, 2020
1 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 200,000 katao o nasa 53,000 pamilya ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna at Quezon.

Mga 2.4 milyong estudyante rin ang apektado sa kalamidad, dahil ginawang evacuation center ang 168 paaralan.

Sa agrikultura naman, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang P3 bilyon ang pinsala sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite at Laguna.

Kinakailangan natin ng long-term plan para tuluyang maresolba ang iba’t ibang isyu na dulot ng mga datos na ito.

Hindi maaaring “piecemeal approach” ang pagresponde natin sa kasalukuyang sakuna.

Bukod pa rito, kailangan nating pagtuunan ng oras sa pag-implementa nang maayos na disaster mitigation and response hindi lang sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal kundi sa buong bansa.

Kailangan nating maging handa palagi dahil hindi mawawala ang panganib mula sa kalikasan lalo na sa kasalukuyang climate change na nangyayari sa buong mundo.

◘◘◘

Taos-puso tayong nakikiramay sa pamilya ng pumanaw na BULGAR president na si Mr. Rainier E. Sison.

Isang malaking kawalan si Mr. Sison sa publishing industry ngunit, naniniwala tayong ipagpapatuloy ng BULGAR ang tradisyong sinimulan niya na maging Boses ng Pinoy, Mata ng Bayan.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page