Horoscope | Enero 22, 2020 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 22, 2020
- 3 min read

Sa may Kaarawan ngayong ENERO 22, 2020 (Miyerkules): Maaabot mo ang anumang pangarapin mo kahit ito ay sobrang taas. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong kapanganakan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang diskarte mo dahil tama ang mga ginagawa mo. Kung may magsasabi sa iyo na may ibang paraan, ‘wag kang maniwala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-23-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran dahil ang taong nakikipagsapalaran ay malaki ang nagiging pagbabago sa buhay. Muli, huwag kang matakot na makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-29-30-35-42-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Pangarapin mong tumaas ang iyong kalagayan at tiyak na ito ay matutupad. Huwag mong palampasin ang araw na ito dahil may magbibigay sa iyo ng napakagandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-20-25-31-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang masyadong magmadali dahil ang mga gusto mong mangyari ay mapasasaiyo sa pamamagitan ng masayang paghihintay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-22-24-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang lakas mo sa mga walang kuwentang bagay, ituon mo ang iyong sarili sa pagpaparami ng iyong kabuhayan nang maging matatag ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-26-27-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka dahil ang bawat araw ay mahalaga. Ito rin ay nagsasabing susulong ang buhay mo nang mabilis kapag ikaw ay kumilos na parang mauubusan ka ng mga oras. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-30-31-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panoorin mo ang mga nagsisikap at may makikita kang puwede mong tularan. Kapag isinabuhay mo ito, ang lahat ng nasa paligid mo ay magugulat dahil sa biglang paglago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-16-21-28-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang tahimik mong ginagawa ang proyekto mo, magdaratingan ang mga suwerte mo sa buhay. Hindi pabor ang langit sa maiingay habang may ginagawa ang mga kamay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-23-28-33-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili, magsaya ka at ibigay mo kung ano ang gusto mong ibigay sa iyong sarili. Ang ganitong pormula ay magdadala sa iyo sa lalo pang pag-angat mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-26-27-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamahinga ka. Kapag nanariwa na ang lakas mo, muli kang sumabak sa pagpaparami ng kita mo. Ang pamamahinga ay mahalaga sa iyo kaya gawin mo ito sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-21-25-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag napansin mo na nalulungkot ka, gumawa ka ng paraan para sumaya. Ang kalungkutan ay ang iyong mortal na kalaban kaya huwag kang papayag na siya ang maghari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-28-30-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ang pinakamahigpit mong kalaban at ikaw ang mananalo. Iwasan mong magalit ang mga taong malapit sa puso mo dahil ikaw at hindi sila ang masasaktan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-25-27-30-33.
Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments