2 Tsekwa arestado.. Sex den buking, 22 Chinese ibinubugaw
- Mylene Alfonso
- Jan 22, 2020
- 1 min read

Photo: pna.gov.ph (left) / gmanetwork (right)
Nasagip ang 22 babaeng Chinese habang arestado naman ang dalawa nilang kababayan na responsable sa pagbubugaw sa kanila sa isinagawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnational Crime Division sa Makati City.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Person Act of 2012, ang mga inarestong sina Zhang Lian Wei at Li Wu Tao.
Habang nakipagkoordinasyon naman sa Bureau of Immigration (BI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kustodiya ng 22 Chinese.
Batay sa imbestigasyon, natagpuan ang mga babae sa ika-11 palapag na hindi binanggit na hotel kung saan sila tumutuloy.
Isang asset ng NBI ang nagpanggap na parukyano at nang makabayad ng P9,000 ay dinala ito sa isang kuwarto para mamili ng babae.
Rito na inaresto ng mga nakaantabay na NBI agent ang dalawang suspek.
Nakuha sa kuwarto ang mga condom, lighter na may mga number, vaginal lubricant cream at sexual services menu card.
Ayon sa NBI, ang mga babae ay ilegal na ni-recruit sa China para magtrabaho sa Pilipinas pero nasadlak sa prostitusyon.





Comments