Team ‘Pinas na naka-gold sa SEAG, may parangal sa PSA
- VA
- Jan 21, 2020
- 2 min read

Sa gitna ng napakaraming mga aberya, mga balakid at pagdududa mula sa kanilang preparasyon hanggang sa pagsisimula ng kanilang kampanya, hindi nagpatinag ang Team Philippines sa nakaraang 30th Southeast Asian Games at nanatiling nakapokus sa kanilang misyon na nagresulta ng maituturing na “most inspiring moments” sa kasaysayan ng Philippine sports. Tinapos ng 1,115-Filipino athletes ang biennial games na may kabuuang 149 gold, 117 silver and 121 bronze medals mula sa 56 na sports na pinaglabanan sa loob ng 11 araw.
Dahil sa nasabing tagumpay, ang Team Philippines ang nakatakdang gawaran ng 2019 Athlete of the Year award sa darating na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night. Ang tradisyonal na pagtitipon na nagbibigay-pugay at parangal sa top sports heroes at heroines ng taon ay magaganap sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sa ikalawang pagkakataon, igagawad ng pinakamatandang media organization ng bansa ang buong Team Philippines bilang Athlete of the Year kasunod ng ginawa nila noong 2005 nang mapanalunan din ng mga Pinoy ang SEAG overall title.
Kabilang sa hanay ng gold medalists ng nakaraang 30th SEAG sina Olympic silver-medal winner Hidilyn Diaz at Asian Games golden girls Margielyn Didal, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, na pawang Athlete of the Year noong 2018 gayundin ang mga world champions na sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio at Tokyo Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obiena. “The choice of Team Philippines as 2019 PSA Athlete of the Year has never been as unanimous. And it was the least the PSA can do to honor the men and women who brought singular distinction to the country during the 30th SEA Games is0 to give them one resounding, united vote,” ani PSA president Eriberto ‘Tito’ Talao. Ang Athlete of the Year award ang highest honor na iginagawad ng PSA mula ng itatag ito noong 1949.





Comments