top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Takot na takot daw ma-bash ng mga maka-P-Digong… Vice, Sarah, Toni, Alex, etc., Wa' 'balls&#

  • Ador Saluta
  • Jan 21, 2020
  • 2 min read

Ilang araw nang kumakalat sa social media ang “1-M signatures for ABS-CBN franchise renewal” na layuning mapaking­gan ng Mala­ca­ñang ang panawagang pagbig­yang ma­kapag-renew ng prang­kisa ang Kapa­milya Network na mag­tatapos nga­yong Marso, 2020.

Mara­ming celebrities ang sumusu­porta at isa na rito si Lea Salonga na iti­na­guyod pa ang kampanyang #No­To­ABSCBN­Shut­down.

Mayroong pumuri sa singer bilang unang Kapamilya artist “to take a stand” pa­ra sa network. May netizen namang nag­tanong kung bakit hindi nagbibigay ng suporta sa petisyon ang iba pang big stars ng ABS-CBN katulad nina Vice Ganda, Sa­rah Geronimo, Toni at Alex Gonzaga, etc..

Sagot ng isa pang Twitter follower ni Lea, walang “bravery” ang ilang Kapamilya talents, “Kasi takot silang ma-bash.”

Matitindi nga rin naman kasing mag-comment ang mga DDS o ‘yung mga avid supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero komento ng isang netizen: “You should have told your network to follow the law.”

Sey ng isa pang Twitter user kay Lea: “If ABS-CBN pays up and answer all the allegations, then by all means, a renewal should be considered.”

Isa namang netizen ang nagsabi na kung totoong may mga paglabag ang network, dapat ay kinasuhan ito.

“Pulitika lang ang nakikita kong da­hi­­lan kung bakit ayaw i-renew ang franchise,” aniya.

Abril, 2017 nang unang ihayag ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte na pipigilan niya ang franchise renewal ng network dahil umano sa “swindling.”

Giit ng pangulo, hindi inilabas ng network ang campaign ads niya noong 2016 nang kumandidato siya sa pagka-pangulo kahit pa bayad na ang mga ito.

Nitong mga nakalipas na linggo, ilang Kapamilya talents ang nanawagan sa pre­si­dente kaugnay ng pagkakaloob ng pani­ba­gong prangkisa sa ABS-CBN. Kabilang dito si Sharon Cuneta at ang singer-hurado ng TNT’s It’s Showtime na si Yeng Constan­tino.

Sa March 20, 2020 nakatakdang ma­paso ang prangkisa ng ABS-CBN na inaprubahan noong March 30, 1995 sa bisa ng Republic Act 7966. Mahigit limang panukala para sa pagri-renew ng prang­kisa ng Kapamilya Network ang naka­bim­bin ngayon sa Ka­mara. Ito ay maka­raang hindi mailusot sa 17th Congress ang unang panukalang su­musuporta sa prangkisa, ang House Bill 4349 ni Nueva Ecija Congresswoman Mi­caela Violago.

Muli itong inihain ng kongresista sa pagbubukas ng 18th Congress noong July 2019, kasabay ang iba pang kapa­rehong panukala.

Kahapon, Lunes (January 20), nakatak­dang magbukas ang sesyon ng Kamara ga­yundin ang pagtatakda ng Mababang Ka­pulungan ng mga deliberasyon para sa mga nakabimbing panukala, kabilang ang franchise renewal ng ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page