top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Pagsusuka, walang gana sa sex, depresyon, etc., Masasamang epekto ng chemotherapy

  • Shane Ludovice
  • Jan 21, 2020
  • 2 min read

Dear Doc Shane, Na-diagnosed na may cancer sa suso ang nanay ko. Matapos siyang magpaopera, nagdesisyon siya na huwag magpa-chemo dahil sa side-effects nito sa kanyang kapatid na dating may breast cancer at namatay din pagkatapos. Ano ang ginagawa kapag nagki-chemo ang pasyente? - Belen

Sagot Ang chemotherapy ay paraan ng paggagamot na gumagamit ng matatapang na kemikal para bigyang-lunas ang mga sakit tulad ng kanser. Layunin nitong puksain ang mga cancer cells na mabilis na kumakalat sa katawan. Ang gamot na ito ay maaaring iniinom, itinuturok o ipinapahid, depende sa bahagi ng katawan.

Bakit kailangang gawin ang chemo?

Ang mga taong na-diagnosed na may kanser ay maaaring isailalim sa chemotherapy. Sa pamamagitan ng paggagamot na ito, maaaring mapigilan ang pagdami ng mga cancer cells sa katawan o pabagalin ang proseso ng pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang gamutan sa pamamagitan ng chemotherapy ay depende sa mga kaso ng sakit ng pasyente. Maaaring gawin ito ng isang beses kada buwan o salitan — isang linggo na chemotherapy, susundan ng apat na linggo ng pahinga at saka uulitin. Kadalasan, ang paggagamot ng chemo ay sinasabayan din ng radiotherapy at operasyon o surgery. Ang mga ito ay depende kung gaano kalala o kataas ang antas ng kanser.

Bagama’t, nakatutulong ang chemotherapy na puksain ang mga cancer cells, maaari rin nitong atakihin ang malulusog na cells sa katawan. Ito ang dahilan kung bakit may side-effects ang paggamot ng chemo.

Maaaring iba-iba ang maranasang epekto ng bawat pasyente ngunit, ang karaniwang side-effects ay ang mga sumusunod:

  • Sobrang pagod

  • Pagsusuka

  • Pagkalagas ng buhok

  • Mataas na posibilidad ng impeksiyon

  • Anemia

  • Pagkakaroon ng mga pasa

  • Kawalan ng gana sa pagkain

  • Panunuyo ng balat at pagbitak-bitak ng mga kuko

  • Kawalan ng konsentrasyon

  • Insomnia

  • Kawalan ng gana sa pakikipagtalik

  • Pagtatae

  • Depresyon

Pagkatapos ng chemotherapy, makatutulong ang pagbawi ng lakas na nawala dahil sa gamutan. Dapat magpahinga, kumain ng masusustansiyang pagkain upang mapanatili ang timbang, umiwas sa mga posibleng pagmulan ng impeksiyon at panatilihing malinis ang katawan. Makatutulong din ang regular na follow-up check-up sa doktor at pagbabantay sa mga posibleng side-effects ng gamot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page