Lakers at Pacers, nasukol ang Rockets at Nuggets

Nakagawa si LeBron James ng ika-31 double-double, habang si Kyle Kuzma ay may 23 points nang palakasin ng bisitang Los Angeles Lakers ang depensa sa third-quarter tungo sa walang lingon-likod na panalo kontra Houston Rockets, 124-115.
Episyente ang opensiba sa Lakers na ginawa ng leading scorer na si Anthony Davis kasunod ng pangunguna ni James sa laro. Kumamada si James ng team-high 31 points kasama ang game-high 12 assists upang manehuhin ang Lakers. Sa ikatlong peryodo lumakas ang kanilang depensa, na wagi sa 32-17.
Ang Rockets shot ay 21.4 percent (6 of 28) lamang sa quarter at sumablay ang 10 sa labing-isang tangkang 3 puntos. Nagpakitang-gilas sa Lakers si JaVale McGee nang i-block niya si P.J. Tucker sa tangkang 3 puntos bago nasundan ng depensa rin kay Rockets center Clint Capela sa dunk attempt.
Samantala, sa iba pang laro, nakapagsalpak si Doug McDermott ng dalawang game-changing 3-pointers sa kalagitnaan ng laro hanggang sa 4th quarter habang si Domantas Sabonis ang namahala upang makumpleto ang triple-double kahapon sa laro ng Indiana Pacers at talunin ang host Denver Nuggets, 115-107.
Makaraang humabol ng 11 points sa third quarter, sa wakas nasukol ng Pacers ang Nuggets sa unang pagkakataon mula noong 0-0 sa nagawang 3 puntos ni McDermott sa nalalabing 6:59 at itarak ang 91-all tie.
Na-deadlock ang laro sa 93- 95 bago ang hoop ni Jerami Grant ng Nuggets para sa 3 puntos, na nagbigay sa Indiana ng 98-97, lead sa papaupos na 4:13 minuto ng laro.





Comments