Donasyon sa mga bakwit, pinagkakakitaan, kani-kanyang modus
LISENSIYA NG SECURITY AGENCY NI CALIDA ANG DAPAT I-REVOKE, HINDI ANG FRANCHISE NG ABS-CBN—Humirit ng “Quo Warranto” sa Supreme Court (SC) si Solicitor General (SolGen) Jose Calida para ma-revoke ang franchise ng ABS-CBN.
Sa totoo lang, ang lisensiya ng security agency ng pamilya ni Calida ang dapat i-revoke at hindi ang franchise ng ABS-CBN kasi bilang opisyal ng gobyerno, mali ang ginawa nito (Calida) na pakyawin ang mga security contract sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, period!
◘◘◘
EPAL SI ALBAY REP. JOEY SALCEDA—Ngayong panahon ng kalamidad, may mga pulitiko na totoong tumutulong at siyempre, meron ding pakitang-tao o umeepal lang.
Isang halimbawa sa mga epal na pulitiko ay si Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda.
Mantakin n’yo, nang tapyasan ang calamity fund ay “nganga” lang si Salceda sa Kongreso, pero nang sumabog ang Bulkang Taal at napakaraming tao ang naapektuhan, bigla siyang humirit na gawin na raw P100 milyon ang calamity fund, pwe!
◘◘◘
47 K BIKERS, MADARAGDAG SA 10 MILYONG JOBLESS NA MGA PINOY—Next week, ayon sa Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB), ituturing nang illegal ang operasyon ng mga motorcycle taxi tulad ng Angkas, Joy Ride at Move In.
Ibig sabihin, huhulihin at ii-impound ng LTFRB ang mga motorcycle taxi na mamamasada sa kalsada.
Dahil d’yan, asahan na ninyo na ang 47,000 namamasadang bikers (27 K sa Angkas, 10 K sa Joy Ride at 10 K sa Move In) ay madaragdag sa milyun-milyong jobless na Pinoy, hu-hu-hu!
◘◘◘
NOON, KAPWA CHINESE ANG KINIKIDNAP NG MGA TSEKWA PERO NGAYONG NASA ‘PINAS SILA, MGA PINAY NAMAN ANG TINA-TARGET—Apat na Chinese nationals na sina Zhi Lin, Shi Jun Yi, Chen Sujo at Xiaohui Sun ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa tangkang pagkidnap sa 18-anyos na Pinay sa Bgy. San Isidro, Makati City.
Kung noon ay mga kapwa Chinese lang ang kinikidnap ng mga ito, aba, ngayon, pati ang mga Pinay ay pinagdidiskitahan na rin nila, ‘katakot!





Comments