98% ng mga residente sa 14-km danger zone, nailikas na — DILG

Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 98% ng mga residente sa lahat ng mga barangay na nasasakop ng 14-kilometro danger zone ng Bulkang Taal ang nailikas na.
Binanggit pa ng kalihim na 100% ng 142 local government officials sa Regions III, IV-A, IV-B at National Capital Region ang nagpakita sa kani-kanilang mga hurisdiksiyon para pangasiwaan ang pagtugon sa kalamidad.
Sa ngayon, aabot na sa 15 bayan ang nasa ilalim ng lockdown sa gitna ng pangamba na mangyayari ang mapanganib na pagsabog ng Bulkang Taal anumang oras.





Comments