top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Padir na utol ni Raymart, 10 yrs. daw kaaway… Sigaw ni Ryle: Anak ako ng Santiago pero sa puso ko, T

Julie Bonifacio
Jan 20, 2020
3 min read

Super successful ang grand opening ng Beaute Talk by Beaute­derm na pag-aari ng mommy ni Hashtag Ryle Santiago na si Sherilyn Reyes located in Robinson’s Place Sumulong, Antipolo.

“Si Mama ang nagbebenta, kasi me­ron din akong share, ‘yung negosyo package. Siya rin ang nagbebenta nu’n. Ayun, ‘yun ang contribution ko. Pero unti-unti, inaaral ko na rin, for the future,” lahad ni Ryle nu’ng makausap namin siya sa Kuya J’s restaurant after the grand opening.

Doing well naman daw ang business nila ng kanyang Mommy Shey. Kumikita sila everyday at sana raw, mas marami pang tumangkilik.

But as much as he wanted their business to have another branch, wala pa raw ‘yun sa plano nila ngayon.

Aniya, “Sa ngayon, hindi pa, kasi agad-agad, eh. Huwag naman agad-agad. Dahan-dahan lang.”

Three years ang contract ni Ryle as endorser ng Beautederm.

Tinanong namin si Ryle kung nabig­yan na ba niya ng ini-endorse niyang product ang kanyang girlfriend.

“Wala akong girlfriend. May bumibili sa akin sa Showtime. So, at least, hang­gang doon, nakakapagnegosyo package ako. Tapos, ‘pag may gustong mag-resell, ibi­nibigay ko ang number ni Mama.”

Busy si Ryle sa kanyang bagong single na Iniismol. Siya rin daw ang nag­sulat ng kanta.

“Matagal kong naisulat pero ngayon lang siya nailabas. Pero sana, tuluy-tuloy na mai-release ‘to kasi, marami na rin akong naisulat na kanta.”

Kinuha namin ang reaksiyon ni Ryle sa nababalitang posibleng pagsasara ng ABS-CBN sa March.

“Hindi ko alam. Sabi nila (na hang­gang March na lang). Eh, ‘pag nagta­tanong ako sa mga boss, hindi raw nila alam. So, tingnan natin. Kasi, ang daming nag-renew ng contract. So, siguro naman, may pagtutuunan ‘yun.”

Sinubukan ba niyang tanungin ang sariling ama at executive sa Kapamilya Network na si Railey Santiago na kapatid nina Rowell, Randy at Raymart Santiago?

“Hindi rin niya alam. Tinanong ko kasi siya, hehe.”

Nag-uusap na ba sila ng ama?

“Okey na kami. Nag-reconcile na kami bandang September last year. After nu’ng presscon ng Megasoft. Kasi, may nasabi na mali ang pagkaintindi niya. So, na-offend siya. Tapos ayun, sabi niya, ‘Usap na lang tayo.’”

Meron lang daw nagsabi kay Ryle na na-offend ang father niya. After learning that, pumayag na si Ryle na kausa­pin ang kanyang ama.

“Ako ang tumawag. Sabi ko, ‘Sige, usap tayo.’ Ako na ang nagsabi, ‘O, sige, magkita tayo.’ Kasi, hindi naman na ako bumabata. Hindi na rin siya buma­bata. So, nag-usap kami. Okey na kami.”

Ikinuwento ni Ryle ang dahilan kaya na-offend ang father sa mga lumabas na isyu.

“Uh, may nasabi kasi na ‘Magpakatatay ka,’ parang ganu’n. Well, sa akin naman, wala na­mang maling sinabi. To­too rin naman. Agree rin naman ako sa sinabi. But well, for me, past is past. Okey na. Napag-usapan na namin.”

Pagkatapos nilang mag-usap, madalas na ba silang magkita ng father niya?

“Hindi naman sa ma­dalas magkita. Nag­kikita kami. Nag-uusap kami. Binibisita ko siya sa office kapag wala akong ginagawa. At least, may ganu’n na kaya natutuwa siya.”

Then, we asked him kung may naganap ba na iyakan sa pag-uusap nila ng father niya?

“Wala namang iyakan. Well, may konting pikunan. Kasi naman, 10 years kaming magkaaway. So, ako, medyo galit talaga ako sa kanya. Pero I decided na mas kailangang manaig ang maturity kesa sa sama ng loob. Intindihin na lang natin ang isa’t isa. Kasi, para saan pa ba’ng magalit? Eh, kami lang naman ang mabibigatan, ‘di ba? Walang magandang maidudulot pa­reho sa amin ‘yun. So, naisip ko na, ‘Okey na. Okey na ‘yun.’ Para saan pa ba ang pride?”

Dahil doon, na-settle na rin daw niya finally kung ano talaga ang apelyidong gagamitin niya for life.

“Uhm, oo. Okey naman. Kasi, ipina­nganak naman ako na Santiago. Hindi mo na puwedeng palitan ‘yun. Pero ang mahalaga, Tan pa rin ako by heart. Pina­laki ako ni Daddy Chris. Alam naman niya ‘yun na love na love ko siya. Ipina-tattoo ko pa ang pangalan niya sa wrist ko,” sabay pakita niya ng tattoo niya.

Say pa niya, “At least, buhat-buhat ko pa rin.”

Pero, hindi na raw niya sinabi kay Chris Tan, ang hubby ng mommy niya, ang kanyang decision.

“Hindi na kailangang pag-usapan ‘yun. Eh, screen name ko naman din ‘yun.”

Speaking of his Daddy Chris, kinumusta namin ang lagay ng dating PBA player.

“Nakakalabas na siya ng ospital. Okey na siya. Pero bed rest muna siya. He needs three months for recovery.”

Inamin ni Ryle na natakot siya sa nangyari sa kanyang Daddy Chris.

“Kasi four in the morning, ginising ako, ‘yung tatay ko raw, nasa ospital. Sino ba naman ang hindi mata­takot? Kaya agad-agad pumunta kami sa ospital.”

Nasa ospital daw sila bago mag-Pasko hanggang sa mismong December 25. And before New Year, lumabas na raw sila ng ospital.

“Sa kuwarto lang kami nu’ng New Year. Sinigurado ko na okey siya. Pero ngayon, nakakatayo na siya,” masayang balita pa ni Ryle.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page