Mag-ex, pinagsama para bumenta… Nakaraan nina John Lloyd at Shaina, gamit na gamit sa movie

Ikinatutuwa ng mga fans ni Bea Alonzo ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz na halos tatlong taon ding namahinga sa paggawa ng pelikula at paglabas sa telebisyon.
Umaasa ang mga fans ng tandem nina Bea at John Lloyd na nagpakilig sa kanila na magkakasamang muli ang kanilang mga idolo sa isang project.
Dati nang may “kilig factor” at chemistry sina Bea at Lloydie. Ang siste, mas nauna ang project na pagsasamahan ni JLC at ng ex-GF niyang si Shaina Magdayao na ididirek ni Lav Diaz. Ito ang Servando Magdamag na isang seryoso at kakaibang pelikula.
Gaganap si Lloydie na faith healer sa movie at isa sa mga gagamutin niya si Shaina.
Madali raw ibenta at i-promote ang tandem na John Lloyd-Shaina dahil may nakaraan silang relasyon at dahil pareho namang single ngayon, aabangan ng marami kung may balikang magaganap sa dalawa.





Comments