Hirit sa Kongreso.. Kontrata sa LRT-1, talupan

Maghahain ng isang House Resolution upang hilingin na maimbestigahan ang kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1.
Ayon kay Rep. Eric Yap, ng ACT-CIS Partylist, kaisa siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sentimyento nito hinggil sa naturang kontrata na itinuturing niyang panlilibak sa Konstitusyon at mga umiiral na batas ng bansa.
Aniya, talung-talo ang pamahalaan sa kontratang ito dahil kung tama aniya ang kanyang kalkulasyon base sa hawak na pigura, kikitain na ng LRMC ang higit pa sa Project Concession Fee sa loob lamang ng apat na taon, ngunit, binigyan pa rin ang pribadong kumpanya ng 32-taong exclusive rights sa pagpapatakbo ng LRT-1 na maaari pang palawigin ng hanggang 50 taon.
Dapat din umanong mapanagot ang mga government officials na gumawa, nag-review at nag-apruba nito na hinayaang madehado ang taumbayan.





Comments