top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Great Brital at Dugong Bughaw, nagpadehado

  • Ding Taboy
  • Jan 20, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Dehado ang naging resulta sa 1st at 2nd Winner Take All (WTA) sa karera na naganap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite nitong Sabado.

Sa 1st WTA, nagbigay ng dibidendo na P87,297.60 sa combination na 10/5/4/4/2/1/1 sa pagkakapanalo ng The Accountant sa Race 1. Nagbigay ng dibidendo sa 2nd WTA na halagang P10,963.40,sa kombinasyon 4/4/2/1/1/1/8.

Sa Race 1 nagwagi ang The Accountant nang talunin ang liyamadong ang Dragon Butterfly at pagkakapanalo ng Stella Malone makaraang talunin ang Time and Again sa Race 2.

Nagwagi ang Born in April sa Race 3 at nanalo ang Geneva sa Race 4 at nasundan ng dehadong Great Britain matapos talunin ang llamadong Oasis. Nagwagi ang Dugong Bughaw makaraang talunin ang liyamadong Triton sa Race 6 habang nanalo ang Believe Me sa Race 7.

Nanalo ang liyamadong Cool Mom sa race 8 at nagwagi ang Storm Chaser sa Race 9 na kapwa liyamado. Nagwagi sa 1st Pick 5 at nagbigay ng dividendo na P4,801.80 sa Race 2 at nagbigay ng 2nd Pick 5 ng P1,023.20 simula Race 5.

Nanalo sa Pick 6 sa kombinasyon na (4/2/1/1/1/8) nang magbigay ng P4,307.20 habang sa Pick 4 (1/1/1/8) nagbigay ng dibidendo na P77.00.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page