top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Department of disaster resilience, pagtitibayin ngayong taon

V. Reyes
Jan 20, 2020
1 min read

Target ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mapagtibay ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience bago ang bakasyon ng Kongreso sa Marso.

Bukas ay balik-sesyon na ang mga senador at kongresista.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na kailangan na nilang madaliin ang pag-apruba sa panukala sa gitna ng panibagong kalamidad o ang pagputok ng Bulkang Taal.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang humiling sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na maaprubahan ng Kongreso ang DDR.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, inaprubahan ng House Committee on Government Reorganization at Committee on Disaster Management ang substitute bill o ang pinag-isang mga panukalang-batas na may kinalaman sa paglikha ng DDR.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page