top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong PNP chief, bagong hamon sa kapulisan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2020
  • 1 min read

Sa wakas, matapos ang tatlong buwan, nakahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng permanenteng hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa.

Bagama’t, wala naman daw naging problema sa kabila ng pagkabakante ng nasabing puwesto, iba pa rin kung may kinikilalang pinuno ang hanay ng kapulisan.

Hindi maitatangging isa sa pinakamahirap na trabaho sa gobyerno ang pagiging pulis. Sa kanila nakasalalay ang kaligtasan ng mamamayan.

Sila ang inaasahang tagapagtanggol mula sa mga magnanakaw, rapist, killer, terorista at iba pang masasamang-elemento sa paligid.

Ang problema, hindi rin nakaliligtas ang iba nilang kabaro na natutukso sa paggawa ng kasamaan.

Bilang PNP chief, siya ang magsisilbing ama na unang-una ay dapat na maging mabuting halimbawa at pangalawa, siya ang magdidisiplina sa mga pulis na nalilihis ng landas.

At hindi ‘yung siya pa ang promotor sa katiwalian at pinamimihasa ang mga walanghiya.

Kaya napakalaking hamon ang kahaharapin ng bagong hepe ng PNP, hindi lang sa pamamahala sa kanyang nasasakupan kundi sa pag-iingat sa kanyang reputasyon. At ‘yan ang ating susubaybayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page