12 koponan magtatagisan sa D-League aspirant’s Cup

Labindalawang mga koponan ang nakatakdang maglaban-laban sa darating na 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup na magbubukas sa Pebrero 13.
Dalawa sa mga nasabing koponan ang reigning NCAA champion Letran at UAAP runner-up University of Santo Tomas. Muling dadalhin ng Knights ang dati nilang pangalan na Wangs Basketball-Letran habang tatawagin naman ang Growling Tigers na UST Builders Warehouse.
Kabilang ang dalawang collegiate squads sa inaasahang magiging contenders para sa first conference.
Ang Marinerong Pilipino na tumapos na runner-up noong nakaraang taong Foundation Cup ang nag-iisang koponan mula sa 12 kalahok na klasipikado bilang club team. Ang nalalabing 11 teams ay mga school-based kabilang na ang mga unang beses pa lamang lalahok na EcoOil-De La Salle University at Mapua.
Kasama rin nila ang mga mainstays na Centro Escolar University at AMA Online Education gayundin ang San Sebastian College, Far Eastern University, Diliman College, Technological Institute of the Philippines at Enderun Colleges.
Ang lahat ng teams ay may pagkakataong magdagdag at magpalakas ng kanilang line-up sa gaganaping 2020 PBA D-League Draft ngayong araw na ito sa PBA Office sa Libis.





Comments