Pickup vs. trike, 7 patay

Photo: Max FM Philippines
Pito katao ang nasawi nang maaksidente sa Prosperidad, Agusan del Sur, kahapon ng umaga.
Ayon sa Prosperidad Emergency Rescue Team, kinasangkutan ng isang tricycle at pickup ang aksidenteng naganap sa Purok 6, Patin-ay bago mag-alas-9:00 ng umaga.
Sakay ng tricycle ang siyam katao na maliligo sana sa dagat, habang papuntang Davao City naman ang kasalubong na pickup na bumangga sa kanila.
Sa paunang ulat, bigla umanong napunta sa lane ng tricycle ang pickup at nabangga ito.
Nakapagpreno pa umano ang driver ng pickup subalit, huli na ito at nakaladkad na ang tricycle hanggang sa mapunta sila sa palayan.





Comments