top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Motel nasunog

V. Reyes
Jan 19, 2020
1 min read

Isang motel ang nasunog sa kahabaan ng Katipunan Street sa Baguio City, kahapon ng hapon.

Sa pahayag ng Baguio City Fire Department (BCFD), nagsimula ang apoy bandang alas-2:00 ng hapon.

Agad namang nakaresponde ang mga bumbero ng BCFD at iba pang fire volunteers. Kaugnay nito, naglabasan mula sa mga karatig na gusali ang mga tao at nagpunta sa lansangan dahil sa takot na gumapang ang apoy.

Tumagal ng halos isang oras ang sunog at idineklara itong fire under control alas-3:30 ng hapon.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang dahilan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page