top of page
Pokwang.jpg

Triple pay sa April 9

Madel Moratillo
Jan 18, 2020
1 min read

Triple pay ang aasahang matatanggap ng mga empleyadong papasok sa Abril 9 na natapat sa dalawang magkasabay na holiday.

Kaugnay nito, naglabas ng abiso ang National Wages and Productivity Board (NWPC) kung saan nakasaad ang tamang pasahod sa mga manggagawa sa Abril 9, 2020 na papatak na Araw ng Kagitingan at Maundy Thursday o Huwebes Santo.

Kaya naman ayon sa NWPC, 300 percent ang dapat na daily salary rate ng empleyadong papasok sa naturang petsa.

Samantala, kung ang manggagawa ay hindi papasok sa naturang petsa, dapat na makatanggap pa rin ito ng 200 porsiyento ng kanyang daily wage rate.

Sa Araw ng Kagitingan, binibigyang-pugay ang mga Pinoy at sundalong Amerikano na nakipaglaban sa Bataan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Para naman sa mga Katoliko, inaalala tuwing Huwebes Santo ang Huling Hapunan at paghuhugas ng Panginoong Hesukristo sa paa ng kanyang mga apostoles.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page