top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Skateboarder de Lange at Surfer Casugay, suportado

A. Servinio
Jan 18, 2020
1 min read

Photo: @jaimedelange (left)

Lalong lumaki ang pamilya ng mga Manok Ng Bayan sa katauhan nina Jaime Rafael de Lange ng Skateboarding at Roger Casugay ng Surfing. Kabilang ang dalawa sa mga maningning na bituin sa nakaraang 30th Southeast Asian Games kung saan humakot ng makasaysayang 149 ginto ang Pilipinas.

Maliban sa kanyang ginto sa Longboard Open, umani si Casugay ng papuri nang sagipin ang nilamon ng alon na pambato ng Indonesia na si Arip Nurhidayat sa kalagitnaan ng kanilang karera.

Kahit maaring maawala sa kanya ang inaasam na ginto, ang mahalaga ay buhay pa ang Indones. Nagpakita ng kakaibang tapang si de Lange sa Men’s Downhill sa mga bundok ng Maragondon, Cavite.

Ang kanyang ginto ay isa sa anim na iniuwi ng Pilipinas sa walo na maaring maipanalo.

Kahit kilala ang Chooks-To-Go sa pagtulong sa Basketball, ang isang atleta ay maaring maging Manok Ng Bayan basta taglay niya ang mga pagpapahalaga o values na nais palaganapin ng kumpanya.

”Ilang beses na rin sinabi na hindi mahalaga kung sino ang nanalo o natalo, mas mahalaga kung paano ka naglaro,” wika ni CTG owner Ronald Mascariñas sa dalawang atleta.

Bilang mga Manok-Ng-Bayan, tutulungan sila na ituloy ang kanilang layunin na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics. May ilang nakatakdang torneo na lalahukan sina de Lange at Casugay sa mga susunod na buwan upang maabot ito.

Tatayo rin sila bilang mga embahador ng bagong kampanya na “Kaya ‘Yan, Manok Ng Bayan” kung saan magsasama ang Chooks-To-Go at Special Olympics Asia Pacific.

Handang tumulong ang dalawa na magturo at magbigay ng inspirasyon sa mga kabataang may kapansanan na nais pumasok sa larangan ng Skateboarding at Surfing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page