top of page

Panaginip na may sakit sa balat, sign na negatibong tao, dapat magdasal at humiling

  • Socrates Magnus
  • Jan 18, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kristine ng Kris_Tin@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na may sakit ako? ‘Yung mukha ko ay parang may kung ano sa balat at kasama ko ang nanay ko, sinabi niya na magtiwala ako sa Panginoon at mawawala ‘yung sakit ko.

Nagpunta ako sa Simbahan kasama ang kaibigan ko, ako lang ang pumasok at nagdasal. Tatlong bagay ang ipinagdasal ko, nakaluhod ako nu’n at may misa, gayundin, nasa hulihan ako.

Naghihintay, Kristine

Sa iyo Kristine, Masasalamin sa iyong panaginip na ikaw ay sobrang negatibo. Dahil dito, nagbababala ang iyong unang panaginip na ikaw ay maaaring magkasakit sa balat o mukha. Pero ‘wag kang mag-alala dahil mas malamang ay mga taghiyawat lang ang makikita sa iyong mukha dahil ang mga babaeng negatibo ay ang numero-unong nagkakataghiyawat.

Nakakatawa at maaaring hindi ka maniwala, pero ito ang totoo na kapag ang tao ay negatibo, humihina ang kanyang immune system kaya siya madaling magkasakit. Kapag bumaba ang antas ng depensa ng tao, unang maaapektuhan ay ang kanyang balat.

Kaya ano ang unang panlaban kapag nagkasakit sa skin? Eh, ano pa nga ba, eh, di ang palakasin ang kanyang immune system.

Ang ikalawang panaginip mo ay nagbabalita na hinihintay ka ni Lord na mag-request na gagawin mo sa bahay-panalangin o templo ni God.

Ganito ang pangako ni God sa mga magsisimba at mananalangin sa Kanyang pangalan, “Ako ay mananahan sa mga templo at doon ay pakikinggan Ko ang mga hihilingin n’yo.”

Puwede bang ako naman ang magtanong? Kasi napansin ko, palagi na lang ako ang tinatanong. Joke lang!

Ang tanong ko, ayon sa nasulat na kababanggit ko lang, “saan nananahan si God?” Ako na rin ang sasagot, batay sa nasusulat, eh, di sa Simbahan kasi sabi ni God, Siya ay mananahan sa mga Simbahan kaya ang tawag sa bawat

Simbahan ay “bahay-panalanginan”.

Kaya ang payo sa iyo ay magsimba ka, ngayon na. Sa loob ng Simbahan, hilingin mo kay God ang iyong tatlong kahilingan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page