Kahit kitikiti raw, may sumeryoso pa rin… Alex, ikakasal na sa konsehal na taga-Batangas
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @cathygonzaga
Finally ay engaged na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Sa IG account ni Alex ay naka-emphasize ang engagement ring niyang ang laki-laki.
Ani Alex: “Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you, Jesus!”
Dinugtungan pa ni Alex na “Vlog tomorrow!” at tiyak, marami na ang nag-aabang kung paano at saan nangyari ang engagement announcement ng celebrity couple.
Nagtanong ang isang netizen kung bakit sa right finger isinuot ni Alex ang engagement ring.
Sabi naman ng isa pang netizen, “Thank you Papa P. dahil sa ‘yo natagpuan na ni Alex si Mr. Right. Ikaw Papa P., kelan mo naman makikita si Miss Right?”
Alam kasi ng lahat na si Piolo Pascual ang naging daan kaya nagkakilala sina Alex at Mikee. Best friend ni Papa P. si Mikee na ngayon ay konsehal sa Lipa, Batangas.
Maraming netizens ang nakukulitan kay Alex, pero masaya sila para sa youngest sister ni Toni Gonzaga.
“At least, may taong nakakaintindi at iintindi sa kanya. God bless you both…”
“Biruin mo nga naman, may sumeryoso kay Alex kahit parang kiti-kiti sa likot at kulit.”
“Mukha namang bagay sila nu’ng guy kasi nagko-complement ang ugali nila.
Makulit si Alex at maingay while the guy is reserved at tahimik.”
Ayon sa iba, mas masarap kasama ang dyowa na may sense of humor.
Besides, ipinakikita naman ni Mikee na mahal niya ang celebrity girlfriend. Isa pa, tiyak na magma-mature si Alex once na nagkaanak na sila ni Mikee.
Gusto naman ng ibang netizens ang paraan ng pagmamahalan ng dalawa.
Low key lang daw ang mga ito, hindi ‘yung post dito, post doon ng mga ginagawa kapag sila ay nagde-date.





Comments