Kagawad, pinatay ng riding-in-tandem
COTABATO CITY — Isang kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa tapat ng barangay hall sa Bgy. Rosary Heights XI.
Nakilala ang biktima na si Kagawad Nasser Guimba, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad umano si Guimba papasok sa barangay hall nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ay agad namatay si Guimba sa pinangyarihan ng krimen.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments