top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habang nagse-celebrate ng b-day.. 2 nalulunod sa dagat sinaklolohan, vendor patay

  • Mylene Alfonso
  • Jan 18, 2020
  • 1 min read

Dahil sa kagustuhang mailigtas ang dalawang dalagita na nalulunod, isang 47-anyos na cigarette vendor na noon ay nagse-celebrate ng kanyang kaarawan ang nagbuwis ng buhay matapos pulikatin at malunod sa Baseco Beach sa Port Area, Manila.

Kalahating oras ang lumipas bago lumutang ang bangkay ng biktimang si Rio Santos, part-time janitor at cigarette vendor, tubong Nueva Ecija, walang permanenteng tirahan sa Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni P/SMS Bernardo Cayabya bala-1:20 ng hapon nang mangyari ang insidente.

Ayon kina ‘Myra’, 14, at ‘Auring’, 12, kapwa out-of-school youth ng Sta. Rosa, Tondo, naliligo sila sa dagat kasama ang iba pang mga kaibigan nang lumubog sila.

Nakita ni Santos ang paghingi ng saklolo ng mga kabataan kaya agad na sinagip ang dalawang dalagita.

“Nu’ng sinagip niya po kami, magkabilang braso niya ang kinapitan namin pero po nu’ng nagsabi siya na namumulikat siya ay binitawan na kami kaya ‘yung mga ibang nandoon ang tumulong sa amin para doon na kami sa gilid… tapos siya (biktima) lumubog na, hindi na siya nakita ng mga nag-dive,” ayon sa mga dalagita.

Nang lumutang ang katawan ni Santos ay punumpuno ng burak ang mga paa, indikasyon na malalim na bahagi ang kinalubugan nito.

Itinabi siya sa pampang at sinubukang i-pump at CPR ng mga responder na sina P/Patrolman Rey Palawing at P/Corporal Romeo Catabay ng MPD-Station 5 pero hindi na ito na-revive kaya agad na itinakbo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) kung saan idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, selebrasyon umano ng birthday nito na dapat ay noong Lunes pa, kaya nag-inuman sila sa gilid ng Baseco Beach.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page